Martes, Oktubre 11, 2016

Kahalagahan ng Wika para sa Kaunlaran


Gumawa ng isang blog tungkol sa kahalagahan ng paggamit ng wikang pambansa upang makamit ang pambansang kaunlaran.

Ano nga ba ang halaga ng paggamit ng WIKANG PAMBANSA? Ito ba ay nakakatulong sa bawat tao? Ito ba ay nakaka-apekto sa atin?
Hindi natin alam kung ano ang tama o mali sa paggamit nito. Hindi natin alam kung hanggang kailan natin magagamit ang halaga ng wikang pambansa para sa pambansang kaunlaran ng wika.

Ika nga ng iba Wikang Filipino, ang pambansang wika ng Pilipinas.
 OO tama iyon ito ang pagkakaalam ng maraming Filipino sa ating bansa. Pero ang tanong hanggang kailan natin ito mapapangalagaan upang hindi ito mawala sa atin.Nakakakaba na baka isang araw mawala nalang ng parang bula ang ating wikang pambansa na ating inaalagan sa araw araw, baka magising tayo isang araw iwan nalang tayo nito ng mabilisan at baka hindi na natin mamalayan na unti unti na pala ito nasisira o bumigay ng mabilisan.

Pero nasasa atin ding mga kamay kung maaalagaan ba natin ng maayos ang pambansang wika, ako? bilang mamamayan at bilang bahagi sa bansang ito naniniwala ako na mapapangalagaan natin ito ng maayos at mamahalin natin ito ng higit pa sa ating mahal sa buhay dahil naniniwala naman tayo na mahalaga ang wika para sa atin at para narin sa pambansang kaunlaran.
Iba't iba man ang kultura, etniko, o lokal na wika, pinag-iisa tayo ng bigkis ng lahi sa pamamagitan ng ating pambansang wika. Kung walang iisang wika, ang wikang Filipino, mararating kaya natin ang kaunlaran ng bansang Pilipinas? sa aking palagay hindi natin mararating  ang kaunlaran na iyon pero may paraan para marating natin ang mga iyon at  ito ay sa pamamagitan ng pagtulong ng bawat isa para mapahalagahan iyon, at bilang isang kabataan at mamamayan sa bansang ito maaari kaming makatulong sa pamamagitan ng pagsasaliksik at magpaunlad ng paggamit wikang Filipino sa pamamagitan ng internet dahil sa aking palagay malaki ang maitutulong ng paggamit ng internet para sa kaunlaran na ating gustong mahangad para sa ating wika.

Ang wika ang maituturing na pinakamabisang kasangkapan sa ating pakikipag-komunikasyon sa ating kapwa. Ang wika, pasalita man o pasulat ay magiging sandata natin sa ating pakikihamok sa mga hamon ng buhay. Ang wika ay binubuo ng mga titik at simbulo na kapag pinagsama-sama ay maipapahayag natin ang mga nararamdaman natin sa ating pamilya, kaibigan, o kung sino pa man na kakilala natin.Ang wika ang nagbibigay daan para sa magandang pakikipagkapwa tao dito sa ating bansa,dahil sa pamamagitan ng wika maraming natututunan ang bawat tao para sa magandang pakikisama sa ibang tao, dahil nagagamit natin ito sa pang araw-araw na pakikipagusap sa iba.


Sabi pa nga ng ating bayani na si Dr. Jose Rizal ” Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda.” Kaya tayong mga Pilipino pahalagahan natin ang ating sariling wika at mahalin ng buong puso, hindi lamang sa salita kundi sa gawa. 
Mahalaga talaga ang wikang filipino sa kasalukuyan dahil nagpapatunay ito na mayroon tayong sariling wikang maipagmamalaki. 
Kailangan protektahan, ipagtanggol ito, mahalin, at higit sa lahat ay huwag nating ikakahiya ang ating wikang Filipino. 
Ipakita natin sa ating mahal na mga bayaning nagbuhos ng kanilang panahon para lamang magkaroon tayo ng wikang pansarili, para maibuklod ang ating bansa at hindi ito mapasama sa mga bansang walang sariling wika at nakikigamit lang ng wikang banyaga.

Gawin natin ang lahat upang makamit na natin ang kahalagahan ng pambansang wika at ng ating pambansang kaunlaran.